Nananatili pa sa Pilipinas si Apollo Quiboloy.
Ito ang sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr., kasabay ng pagtiyak na ginagawa ng mga awtoridad ang lahat upang mahanap hindi lang si Quiboloy maging ang iba pang indibidwal na wanted sa batas.
Ayon kay Abalos, may order na sa mga pulis na hanapin sa bawat sulok ng bansa si Quiboloy na nahaharap sa kasong child sexual abuse at human trafficking.
Nauna nang sinabi ng kalihim na malaking tulong ang pag-aalok ng P10 milyong pabuya mula sa pribadong sektor upang pilitin si Apollo Quiboloy na harapin ang kanyang kaso.