Pinakahuling “ramming” incident sa WPS, tinawag na pinakamalala ng PCG

Tinawag na “worst” o pinakamalala ng Philippine Coast Guard ang pinakahuling ramming incident ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, ito’y dahil sa pinsalang tinamo ng PCG vessels BRP Cape Engaño at BRP Bagacay habang nasa resupply mission noong Lunes.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang BRP Cape Engaño ay nagtamo ng 1.1-meter hole o butas sa starboard side nito at 40-centimeter damage sa engine exhaust sa starboard quarter ng barko.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa kabila nito, nananatili umanong mataas ang morale ng mga tauhan ng PCG matapos ang insidente

Nauna nang kinondena ng Pilipinas at Estados Unidos ang iligal, agresibo at mapanganib na aksyon ng China sa WPS.