Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Agriculture (DA) na pabilisin ang pag-aani at direktang pagbili ng mga lokal na sibuyas para ihatid sa Metro Manila gamit ang PHP140-million na pondo mula sa 2021 national budget na na-realign para sa Food Mobilization Program ng DAngayong taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang panukalang ito ay magtataas ng supply ng mga sibuyas na maaring ibenta sa halagang PHP170 kada kilo sa Kadiwa outlets at rolling stores bago ang Bagong Taon, na mas magandang alternatibo kaysa sa pagtataas ng suggested retail price ng mga bilihin. .
Nabanggit din niya na magpapatuloy ang pag-aani ng sibuyas hanggang Pebrero sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Oriental Mindoro.
Si Marcos, na namumuno sa Senate committee on cooperatives, ay nagsimula noong Miyerkules ng direktang pagbili ng hanggang 300,000 kilo ng sibuyas mula sa mga kooperatiba ng mga magsasaka sa Nueva Ecija. //CA