Erwan Heussaff , hinikayat ang mga kapwa magulang na maging present para sa kanilang mga anak

Hinikayat ni Erwan Heussaff ang mga kapwa magulang na “maging present” para sa kanilang mga anak.

Ibinahagi ng content creator ang isang sulyap sa kanilang family trip sa Melbourne, Australia sa kanyang personal na Instagram account nito.

Naalala rin ni Heussaff ang pag-uusap nila ni Dahlia sa biyahe, kung saan binanggit niyang masaya siya dahil “hindi siya nagtatrabaho ,” na makikita sa caption ng kanyang post.

Ang mga kapwa celebrity na sina Marc Nelson, Jasmine Curtis-Smith at Mariel Rodriguez ay nagpahayag ng kanilang suporta para kay Heussaff sa kanilang mga komento.

Libo-libong netizens naman ang tila naka-relate at naluha sa naging post ni Erwan.//CA