Sen. Go – tiniyak na idadaan sa tamang proseso ang paghawak sa posibleng impeachment case vs VP Sara

Binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na sisiguraduhin nilang dadaan sa pagbubusisi ang posibleng paghahain ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos banggitin ng 1st nominee ng Magdalo Partylist na si Gary Alejano na isa ito sa pangunahing balak nilang gawin kung manalo sila sa darating na halalan.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Pero paglilinaw ni Go, magagawa lang nila ito kung sakaling suwertihin sila sa paparating na eleksyon.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag pa niya, kunng sakaling totoo man na mangyari ito sa susunod na ika-20th congress ay pagbabasehan nila ang mga ebidensyang ihahain ng nabanggit na partylist.