Dating Senador Antonio Trillanes IV, pormal nang naghain ng COC bilang mayor ng Caloocan City

Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy si dating Senador Antonio Trillanes IV ngayong araw.

Kakandidato si Trillanes bilang alkalde ng Caloocan City kung saan makakatapat niya ang incumbent local chief executive na si Along Malapitan.

Personal na inihain ng dating senador ang kanyang COC sa Monumento at ang kanyang makaka-tandem na tatakbong Vice Mayor ay si Christopher Malonzo.

Tatakbo si Trillanes sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.

Sakaling manalo, sinabi ni Trillanes na plano niyang linisin ang lungsod mula sa korapsyon na sisimulan sa City Hall.

Gagawin din umano niyang business-friendly city ang Caloocan.

Aminado naman si Trillanes na mabigat ang laban dahil isang political dynasty umano ang susubukan niyang wakasan.