Sen. Go pinaalalahanan ang mga ahensiya ng gobyerno na gastusin ang pondo ng maayos at naaayon sa batas sa gitna ng nararanasang public health emergency

Binigyan diin ngayon ni Senador Christopher Bong Go na gamitin ang bawat piso mula sa kaban ng bayan para sa benipisyo ng mga Pilipino ngayong pandemic.

Sa kanyang previledge speech sa pagsisimula ng Senate Blue Ribbon committee hearing sinabi ni Go na nasa gitna tayo ng pandemya kaya dapat walang natutulog na pera at walang nasasayang na panahon.

Pinayuhan din ng senador ang DOH na agad resolbahin kung mayroon itong nakikitang mga problema.

Nagpahayag din si Go ng kanyang buong suporta sa imbestigasyon kaugnay sa paggamit ng pondo para sa COVID-19 response.

“According to the DOH, more than 379,000 public and private health workers received their Special Risk Allowance or SRA this year. However, some health workers claim they did not receive such allowance,” ayon kay Go.

Sinabihan din ni Go ang DOH na agad  i-reconcile ang kanilang records sa mga ospital para ma-validate kung sino na ang mga nakatanggap na at kung sino pa ang dapat makatanggap ng allowance.