Ipinag-utos ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring madugong hostake taking sa Marikina City jail, Huwebes ng gabi.
Sa paunang imbestigasyon ng Marikina City Police Office magsasagawa sana ng routine medical check up ang dalawang nurse ng BJMP nang biglang agawin ng dalawang inmates ang baril ng bantay nilang Jail Officer.
Dito na hinostage ng mga inmates ang dalawang staff ng BJMP sa kanilang pagtatangkang tumakas.
Agad naman rumesponde ang mga pulis at sinubukan makipagnegosasyon sa mga hostage taker subalit bigla nalang umano itong nagpaputok ng baril.
Nadala pa sa ospitala ang jail officer subalit agad din binawian ng buhay matapos tamaan ng bala sa tiyan habang nagpapagaling naman ang isa pang biktima na nagtamo ng tama sa paa.
Dahil sa pangyayari agad naman itinaas ang alerto sa lahat ng jail facilities sa loob ng National Capital Region.
