Sen. Go: PDEA leaks probe – ‘di dapat mapulitika

Sang-ayon si Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi dapat mapolitika ang pagdinig hinggil sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leak.

Ito ay alinsunod sa paalala na iniwan ni Senate President Migz Zubiri sa komite na iwasang gawing political circus o di kaya political witch-hunt ang mga pagdinig sa Senado.

Anya, ang pinakamahalaga ngayon ay maprayoridad ang kapakanan at kaayusan ng publiko.

Maalala, nakatakda na sa darating na linggo ang pagpapatuloy ng pagdinig tungkol dito na inaasahan namang magiging huli ng sesyon ng pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *