Sen. Go, nagpaalala sa lahat ng kandidato ng BSKE na sundin ang calendar of activities ng COMELEC

Pinaalalahan ni Senador Christopher “Bong” Go ang lahat ng mga kumakandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 na sundin nang mahigpit ang calendar of activities na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC).

Maalala, ayon sa COMELEC en banc Resolution 10902, nagsimula na noong August 28 ang election period at implementasyon ng gun ban na tatagal naman hanggang sa darating na November 29.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng kampanya ang ilang kandidato na pupwede lang hanggang sa October 28.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Samantala, ang halalan sa October 30 ay magsisimula ng alas syete ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Ang huling araw naman ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay magaganap sa darating na November 29.