Pinasisiguro ng Federation of Free Farmers (FFF) sa Gobyerno na dapat ay mayroon itong sapat na mga hakbang para ma-mitigate ang epekto ng El Niño sa mga lokal na magsasaka.
Kung maaalala kasi – 2024 inaasahana ng pinakamatinding epekto ng dry spell sa bansa kung saan, inaasahang pinakmaaapektuhan ay ang industriya ng pagsasaka sa bansa.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay FFF national manager Raul Montemayor, pinatitiyak niyang mayroong sapat na irrigation projects ang pamahalaan.
Sabi niya, sa ganitong paraan daw ay masisigurong hindi magkakaproblema sa suplay ng bigas sa bansa pagsapit ng Hulyo hanggang Setyembre sa susunod na taon.
Bago ito, una nang sinabi ng National Irrigation Adminstration (NIA) na mayroon na silang mga hakbang para maibsan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Inaprubahan na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagre-release ng P12.7Billion para sa Rice Farmers Financial Assistance o and RFFA