Sen. Go muling pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa bagong COVID-19 variants

Muling umapela si Senador Christopher Bong Go na maging mapagmatyag, makipagtulungan at sumunod sa ipanapatupad na health protocols ng pamahalan ngayong may bago na naman COVID-19 variants ang nadiskubre ng mga eksperto.

Sa pagpapasinaya ng ika-127th Malasakit Center sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, Cavite hinimok ni Go ang publiko na pag-ibayuhin pa ang pag-iingat dahil mas nakakahawang Lambda o Delta variant na patuloy na nakaka-apekto sa ilang mga bansa.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nananawagan din si Go sa mga Pilipino na habaan ang pasensiya at sumunod sa quarantine protocols.

Dagdag pa ng mambabatas maraming madadamay at posibleng bumagsak na naman ang healthcare system ng bansa kapag kumalat ang Lambda variants kung patuloy na magiging pasaway ang mga tao.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Iginiit ni Go na mas lalong magiging kawawa ang mga mahihirap nating kababayan kung ibabalik na naman ang ECQ katulad nang nangyari noong Abril.

Nabatid mula sa World Health Organization na ang Lambda variants ay namayagpag sa 30 bansa kabilang na ang South America, at una itong nakita sa Peru noong August 2020.