NASUGBU – Arestado ang limang katao matapos na maabutan ng mga awtoridad na naglalaro ng Mahjong sa Brgy. Talangan, Nasugbu, Batangas.
Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang mga nahuli na sina Francisco Mercado, 45 anyos; Noel Villafranca, 42; Fernando Barcelon, 52; Glenn Isar, 39 at Christopher Mercado y Aurelio, 39 anyos, pawang mga residente ng naturang bayan.
Ayon sa imbestigasyon, ikinasa ng Nasugbu MPS ang anti-illegal gambling operation matapos makatanggap ng report kaugnay sa pagsusugal ng mga suspek sa naturang barangay.
Naabutan ng mga ito ang nasabing mga suspek na naglalaro kung saan narekober mula sa kanila ang isang set ng Mahjong tiles; 13 game chips at 800 pesos na pera na sinabing taya ng mga ito.
Nakadetina na ang mga suspek sa custodial facility at nahaharap sa kasong P.D. 1602 o Illegal Gambling.