Nilinaw sa naging biglaang press conference ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na hindi si dating police general, Antipolo Rep. Romeo Acop ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga patama.
Sa naging press conference kase nitong nakaraang linggo ay sinabi ni Dela Rosa na tila ‘unprincipled’ at ‘opportunistic’ ang ilang miyembro ng Kamara.
Kasunod nito, humingi siya ng pasensya kay Acop na nag-react dito sabay sabing malaki ang respeto niya rito kung kaya’t wala siyang nakikitang rason para banatan ito.
Samantala, nirerespeto naman umano niya ang naging opinyon nito na siya ang totoong oportunista at lapdog ng administrasyong Duterte.
Handa naman din umano ang senador na magpaabot ng personal na mensahe kay Acop upang humingi ng tawad o paumanhin.