PNP, mahigpit nang ipagbabawal ang paglalagay ng visible tattoos sa lahat ng mga pulis matapos ang moratorium

Matapos ang masusing review, inalis na ang moratorium sa paglalagay ng mga visible tattoos sa lahat ng mga pulis.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, tuloy na ang muling pagpapatupad nito.

Sa mga aplikante na interesadong pumasok sa PNP service sa pamamagitan ng recruitment , lateral entry o PNPA , bawal na ang may tattoo.

Para sa mga active police , binibigyan sila ng ng tatlong buwan para burahin ang kanilang mga visible tattoos at sinumang hindi susunod dito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa ngayon, inaayos naman na nila ang proseso sa pagbubura ng mga tattoo.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong March 2024, pinatatanggal ang lahat ng visible tattoos ng mga pulis.

Required din na gumawa ng affidavit ang isang pulis na may tattoo na hindi visible at hindi na ito pinahihintulutan pang magdagdag ng tattoo sa anumang parte ng kanyang katawan ito man ay visible o naitatago sa police uniform.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Kabilang sa mga tattoo na kailangang ipabura ay ang:

  • Extremist tattoos
  • Ethnically or religiously discriminatory and offensive tattoos
  • Indecent tattoos
  • Racist tattoos
  • Sexist tattoos
  • Tattoos associated to “prohibited or unauthorized”

Hindi naman sakop ng bagong patakaran ang aesthetic tattoos tulad ng eyebrows, eyeliner at lip tattoo.