Naghain ng reklamong Rape through sexual assault at Multiple Counts of Acts of Lasciviousness ang mag-amang sina Niño at Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Kasama ang kanilang abogado at mga tauhan ng National Bureau of Investigation, maaga silang nagtungo sa Department of Justice para magsampa ng kaso.
Ayon sa legal counsel ni Sandro Muhlach na si Atty. Czarina Raz natapos na ng NBI ang kanilang imbestigasyon at nakuha na ang mga pahayag mula sa mga testigo.
Sinabi naman ni Atty. Raz, nasa desisyon na ng DOJ ang mga susunod na hakbang pero inaasahan nilang magsasagawa ito ng preliminary investigation kaugnay ng kaso.
Ayon sa ama ni Sandro na si Niño Muhlach, hindi makakain at hindi makatulog nang maayos ang kaniyang anak dahil sa mga nangyari kaya nagpapasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanyang anak at pamilya.
Naniniwala naman si Sandro na lalabas at lalabas ang katotohanan sa kabila ng pagtanggi nina Cruz at Nones sa mga naturang akusasyon.