Sen. Chiz – naiintindihan ang hinanakit ng Fil-Chi leader re: sinophopia ng mga Pinoy

Ipinunto ni Senador Chiz Escudero na naiintindihan at nakikita niya ang pinaggagalingan ni Civic leader Teresita Ang See.

Ito ay matapos nitong tawagin na ‘dangerous and unfortunate’ ang di umano’y nangyayaring sinophobia at racism laban sa mga Chinese students sa Cagayan.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Kaugnay nito, binigyang-diin ng senador na hindi dapat makaapekto sa sinumang indibidwal ang political difference ng mga estado at gobyerno.

Dagdag pa niya, sa kabila ng territorial dispute sa pagitan ng China at Pilipinas ay hindi dapat ito makaapekto sa economic, cultural, educational at iba pang exchanges.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Maalala, ang sinophobia ay tumutukoy sa takot o galit laban sa China, sa mga taong Tsino at maging sa kultura ng mga ito.