Sen. Bong Go, inayudahan ang vulnerable groups sa Davao City; senador, tiniyak ang patuloy na suporta mula sa gobyerno para sa recovery ng bansa sa virus

Tiniyak ni Senador Bong Go sa mga Pilipino na nagsisikap ang administrasyong Duterte na mapabilis ang pagbabakuna sa bansa at ligtas na pagbubukas ng ekonomiya habang tinutulungan ang mga naghihirap ngayon at vulnerable group.

Sa magkakahiwalay na aktibidad sa Davao City noong Huwebes, inihayag ng senador sa mga vulnerable residents na ipagpapatuloy ng kanyang opisina ang pagbibigay ng critical assistance sa mga lugar na nangangailangan at makikipagtulungan sa mga lokal na opisyal para maprotektahan ang mga mamamayan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Para matugunan ang agarang pangangailangan ng mga residente, namahagi ang senador ng food packs, vitamins, masks, at face shields sa nasa 600 residente sa Barangays Governor Vicente Duterte, Kapitan Tomas Monteverde, Sr. at Leon Garcia gymnasiums.

Kabilang sa mga recipients ang contractual workers; tricycle drivers at operators; mangingisda; out-of-school youth; senior citizens; solo parents; at ilang members ng LGBT community.

Namigay din ang senador ng bagong mga sapatos, biseklata, computer tablets para sa pag-aaral ng kanilag anak.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bilang bahagi ng interventions ng gobyerno para sa mga nasa mahihirap na komunidad, namigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pinansyal na ayuda, habang namigay naman ang Department of Agriculture (DA) ng vegetable seeds para makatulong sa pangkabuhayan at food security.

Nagsagawa naman ng assessment ang Department of Trade and Industry, and Technical Education and Skills Development Authority ng assessments sa potential beneficiaries para sa kanilang livelihood assistance at skills training programs.