Sinagot ni Senador Bong Go ang mga bumabatikos sa kanyang pagiging malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa senador, walang hanggan ang kanyang katapatan at commitment sa pangulo at ipinagmamalaki nya ang ilang taong pagseserbisyo nya bilang executive assistant.
Umaasa umano ang senador na ang kanyang experience ay magiging inspirasyon sa iba na iprayoridad ang pagtulong sa kapwa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Senador Go na ginagawa nya ang kanyang tungkuli sa abot ng kanyang makakaya at hindi nya sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng mga Pilipino na maupo sa Senado.
Giit pa ng senador, di nya gagamitin ang kanyang posisyon o pagiging malapit sa presidente sa pansariling interes.
Di umano naiimpluwensayahan ng kanyang personal na mga relasyon ang kanyag trabaho dahil iniiwasan nyang magkaroon ng conflict of interest.
