Nanumpa na ulit kahapon sa si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.
Si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nag-administer ng kanyang panunumpa.
Ito na ang pangalawang beses na nanumpa si Cacdac bilang kalihim ng DMW, matapos syang italaga ulit ni Pangulong Bongbong Marcos na ad interim secretary.
Nabatid na na-defer ang una nitong appointment ng makapangyarihang Commission on Appointment, matapos mag file ng motion for suspension si SAGIP Partylist representative Rodante Marcoleta.