DFA, naghain ng protesta hinggil sa apat na buwang fishing ban na ipinataw ng China sa WPS

Nagprotesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang diplomatic note, hinggil sa unilateral fishing ban na ipinataw ng China sa West Philippine Sea.

Nagsimula ito noong Mayo 1 at inaasahang tatagal ang pagbabawal sa pangingisda hanggang Setyembre 16, 2024.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nauna nang nagdesisyon ang 2016 Arbitral Award na ang ganitong malawak na fishing moratorium ay lumalabag sa Article 56 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa ngayon, 158 diplomatikong protesta ang sinampa ng Pilipinas laban sa China, sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.