Anim na ang unang napaulat na patay dahil sa Bagyong #AghonPH.
Kinumpirma na rin ng Office of Civil Defense (OCD) ang isang casualty mula sa Misamis Oriental.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay OCD Spokesperson Dir. Edgar Posadas, sinabi niyang ang confirmed casualty ay isang 14-year old na nagtamo ng multiple injury.
Maliban sa mga ito, may kinukumpirma pa umano ang ahensya hinggil sa iba pang kalagayan ng mga residente.
Nagmula raw sa CALABARZON ang ilan pang casualties na for verification.
Una nang iniulat ng PRO-CALABARZON ang typhoon-related deaths kabilang ang isang lalaking nadaganan ng bumagsak na puno ng acacia habang natutulog sa Brgy. Sampaga, San Antonio, Quezon.
Isang 7-buwang gulang na sanggol na lalaki na nalunod nang tangayin ng malakas na baha ang kanilang tahanan sa fish cage ng Tierra del Monte Realty Corp. sa Brgy. Punta, Padre Burgos.
At isang lalaking nadaganan naman ng bumagsak na buli tree sa tiyan habang natutulog sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Mayroon ding 4 na damaged houses, habang 18 naman ang partially damaged.
Paliwanag ni Posadas, inaasahang magbabago pa ang naturang bilang kasabay ng pagsasagawa nila ng assessment.
Samantala, may na-monitor na 8 rain-induced landslides, at 20 flooded areas.
Batay sa pinakahuling datos ng OCD, kabuoang 36, 143 indibidwal na ang apektado ng Bagyong Aghon.