Muling tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi ginagamit ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa people’s initiative signature campaign.
Giit ng DSWD Secretary, mayroong itinakdang panuntunan para makakuha ng assistance sa kagawaran.
Dagdag pa nito na sakop ng mga itinakdang panuntunan at guidelines ang pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.
Samantala, makikipag ugnayan naman si Gatchalian sa tanggapan ni Senadora Imee Marcos para makuha ang detalye at sisiguruhin na iimbestigahan ang isyu.