Imee: ‘High-ranking officials’ ng Kongreso – nasa likod ng Cha-Cha signature buying campaign

“Our constitution is not for sale”

‘yan ang mariing pahayag ni Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senator Imee Marcos kaugnay sa kumakalat na signature buying campaign.

Ito ay para sa paggamit ng People’s Initiative (PI) sa pag-amyenda sa kasalukuyang institusyon.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Ayon kay Marcos, walang nabanggit ang kanyang source kung kanino ito nanggaling ngunit tiniyak niyang galing ito sa Kongreso.

Paniniwala naman niya, isang high ranking officials ng Kongreso ang nasa likod nito.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Samantala, hinimok niya ang ilang ‘di naniniwala sa bayaran o mispresentation na manood ng balita upang maging malay sa ginagawang panloloko ng ilang empleyado ng gobyerno na nagpapapirma ng petisyon na kunwari’y listahan ng ayuda.