Sec. Abalos, tiniyak ang buong suporta sa bagong hepe ng PNP na si PGen. Benjamin Acorda

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang buong suporta sa bagong hepe ng Philippine National Police na si PGen. Benjamin Acorda.

Tiwala  si Abalos kay Acorda na may malawak na karanasan at integridad para tuparin ang hamon ng pagiging chief PNP.

Read More:  Gracioso challenges Sara Duterte, Ex-Speaker Velasco to lie detector test

Sinabi ng opisyal na sa ilalim ng bagong pamunuan ng PNP, inaasahan niyang mananatiling walang humpay at maging mapagmatyag ang kapulisan  sa pagsugpo sa mga criminal elements upang mapanatili ang kaayusan sa bawat sulok ng bansa.

Read More:  Prosecutor Terry Ridon gets stern warning over alleged sub judice violation

Matatandaang , iniluklok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Acorda bilang ika-29 na PNP chief sa traditional change of command ceremony sa Camp Crame.//CA