Ligtas ang dalawang piloto na sakay ng Marchetti SF-260FH trainer aircraft ng Philippine Air Force matapos magkaaberya habang papalapag sa runway 21 ng Basilio Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.
Ayon sa PAF, sa kabila ng mababang altitude, nagawa ng mga piloto na imaniobra ang aircraft sa isang bukas na lugar sa loob ng air base’s perimeter na hindi nagdulot ng pinsala maging sa kalapit na komunidad.

Mabilis ding dumating ang mga emergency responders sa pinangyarihan ng insidente at matagumpay na na-resucue ang mga piloto. Ligtas ang mga ito matapos sumailalim sa medikal na pagsusuri.
Sinimulan na rin ng PAF ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.
Tiniyak din ng PAF sa publiko ang mahigit nilang pagsunod sa maintenance at operational protocols.