Senador, nais paimbestigahan ang operasyon ng PCSO dahil sa mga katanungan kung may mga lehitimong nananalo sa lotto grand prize

Nais ni Senator Koko Pimentel na imbestigahan ng Senado ang report na halos linggo-linggo umanong may nananalo ng jackpot sa lotto.

Si Pimentel ay kabilang sa tatlong senador na naghain ng resolusyon na naghahangad ng imbestigasyon sa operasyon ng PCSO, dahil patuloy ang mga katanungan kung may mga lehitimong nananalo sa lotto grand prize.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Pimentel, bagamat wala pa siyang impormasyon kung mayroong kalokohang nangyayari, pero kailangan aniyang suriin ito dahil batay sa pag-aaral, isa sa bawat  8 milyon lamang ang may tsansang manalo sa lotto.

Ang mungkahing imbestigasyon ay para matiyak ang transparency at mawala ang duda ng taong bayan kung may nangyayaring himala mula sa PCSO lalo pa’t hindi isinasapubliko ang pangalan at mukha ng nananalo sa jackpot ng lotto.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Maaari din aniyang isabatas ang pag obliga sa Commission on Audit na ibigay ang identity ng naka jackpot. Kailangan rin aniyang sabay mag certify ang COA at PCSO para malaman na mayroon talagang nanalong totoong tao.//CA