SDS Guemo iniutos sa mga teaching at non- teaching personnel na lalo pang ibayuhin pa ang pagbibigay ng serbisyo ngayong taon

CAMARINES NORTE- Iniutos ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa lahat ng teaching at non- teaching personnel ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy at pag- ibayuhin pa ang pagbibigay ng maayos na serbisyo.

Sa bisa ito ng Division Memorandum No 1, series of 2023 na ang pinakalayunin umano ay ang makapagbigay sila ng efficient and effective delivery of educational services alinsunod sa mga panuntunan ng Civil Service Commission at DepEd issuances.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay Guemo nais nilang simulan ang taon sa ganitong direksyon at gamitin ang posisyon para pagsilbihan ang kanilang mga kliyente nang may kapakumbabaan at pagalang.

Kaugnay nito ay inatasan ni Guemo ang  lahat ng teaching at non- teaching personnel  na maging magalang sa lahat ng pagkakataon, pairalin ang transparency at sundin ang mga probisyon ng anti- red tape law.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kung ito umano ang paiiralin at magiging gabay ng bawat isa ay hindi sila  magkakamali sa kanilang magiging aksiyon.

Binanggit din ng opisyal sa kaniyang mga kasamahan sa Division Office na kapag magbibigay ng mga required documents ay kailangang isahan at kumpleto ang listahan upang hindi pabalik- balik ang kanilang mga kliyente.

Mas mainam umano kung isang puntahan lang upang makaiwas sa karagdagang gastos.