Nag ambang tumaas ang singil sa kuryente ng San Fernando Electric Light and Power Company o SFELAPCO.
Sa paunang anunsyo ng SFELAPCO, posibleng ipatupad nila ang taas singil sa kuryente sa darating Pebrero.
Dahil daw ito sa pagtaas ng generation charge.
Nito raw kasing nakalipas na buwan, tumaas ng halos 400% ang imported coal kasabay ng pagbaba ng palitan ng piso kontra dolyar, kaya tumaas din ang generation charge.
Kaya hinihikayat ngayong SFELAPCO ang kanilang mga consumer na maging masinop sa pag gamit ng kuryente.
