CAMARINES NORTE- Nakatakdang dumating sa Camarines Norte ang labi ni Diocese of Daet Bishop Emeritus Benjamim Almoneda mula sa Redemptoris Mater Archdiocesan Missionary Seminary sa Parañaque, Metro Manila kung saan ito ngayon nakalagak.
Ilalagak ang labi nito sa Holy Trinity Cathedral mamayang gabi pero ang public viewing ay magsisimula alas 6 ng umaga bukas, Enero 10 hanggang alas 6 ng gabi kinabukasan, Enero 11,batay sa chancery bulletin na ipinalabas ng Diocese of Daet.
Magkakaroon naman ng mga misa kada vicariate sa katedral at ang unang misa ay sa alas 6: 30 bukas ng umaga na pangungunahan ni Bishop Rex Andrew Alarcon.
Gagawin naman ang funeral mass alas 3 ng hapon sa Biyernes, Enero 13 sa Norte Dame de Vie sa Angat Bulacan.
Si Almoneda ay pumanaw noong Biyernes sa edad na 92 sa mismong araw ng kaniyang ika- 33rd Episcopal Anniversary.
Hindi nabanggit sa bulletin kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng Bishop Emeritus.
Si Almoneda ang ikalawang Obispo ng Diyosesis ng Daet na nanilbihan simula Hulyo 1991 hanggang sa ito ay magretiro noong Abril 2007.
