SORSOGON CITY – Inilatag na ng Commissions on Elections (Comelec) – Sorsogon City ang mga iskedyul ng kanilang isasagawang Barangay Satellite Voter’s Registration ngayong buwan.
Ayon kay City Comelc Officer Atty. Carla Jerrera, naka-schedule sa araw ng Sabado, Agosto-7 ang Barangay Rawis sa distrito ng Bacon; Agosto-11 ang Barangay San Jose; Agosto -14 ang Barangay Bato; Agosto-18 ang Barangay Pangpang lungsod ng Sorsogon; Agosto-21 ang Barangay Abuyog; Agosto – 25 ang Barangay San Roque habang naka-schedule naman sa Agosto-28 ang Barangay Balete, distrito ng Bacon.
Kaugnay nito, umaasa ang ahensya na makikiisa ang bawat naka-schedule na barangay sa isasagawang aktibidad ng pagpaparehistro.
Una rito, layon ng mga isinasagawang Barangay Sattellite Voters Registration na hindi mahirapan at maabala pa ang nasabing mga residente sa pagtungo sa tanggapan ng City Comelec.

