Schedule na hindi gaano mainit, piliin sa recognition at graduation rites-DepEd Naga

NAGA CITY-Patapos na ang academic year 2023-2024, magiging sunod-sunod ang recognition at graduation rites. Kaugnay nito nagpaalala ang DepEd Naga na piliin ang mga oras na hindi gaano mainit ang panahon.

Ayon kay Assistant Schools Division Superintendent Fernando “Boy” Macaraig, kailangan isaalang-alang ang kapakanan ng mga dadalo na hindi puwede sa kalusugan ang napaka taas na temperatura.

Batay sa DepEd Memorandum No. 023, series of 2024, itinakda ang pagsasagawa ng End of School year rites mula Mayo 29-31, 2024, kabilang rito ang graduation at moving up ceremonies. Nakasaad pa na dapat na maging simple ngunit makahulugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *