Wala pang bago na plano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa mga susunod na hakbang ng Gilas Pilipinas matapos ang naging kampanya nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Belgrade, Serbia.
Ayon kay SBP special assistant to the president Ryan Gregorio na hahayaan muna ng federation ang mga manlalaro na magpahinga bago ito bumalik sa paghahanda para sa FIBA Asia Cup sa Agosto.
Pero umaasa si Gregorio na masisimulan na nila ang kanilang mga diskusyon sa mga susunod na araw.
Ngunit ngayon ay sinabi niya na kailangan muna mag-relax ng Gilas.

Sa kasalukuyan ay naka-quarantine ngayon ang mga Pilipino matapos nilang makabalik mula sa kanilang flight sa Serbia.
Matatandaan na muntikan nang magwagi ang Pilipinas laban sa host country sa nasabing torneyo.
Tuluyan namang namaalam ang Gilas sa kanilang pangarap na makapasok sa Olympics ngayong taon matapos ang kanilang pagkatalo sa Dominican Republic.