PNP chief, tiniyak na walang pondo ang nanakaw mula sa pagbili ng body cams

Nanindigan si Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar na wala sa pondo ng PNP na ginamit sa pagbili ng body cameras ang na-misuse.

Sinabi ni Eleazar na fully accounted ang lahat ng pera na inilaan ng Kongreso sa pagbili ng body cameras at sa katunayan ay nakatipid na ang PNP ng mahigit P45-million para sa nasabing transaksyon.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Iba pa ito  sa mahigit P19.4-million na savings ng PNP mula sa improvement ng PNP Command Center.

Ipinunto ni Eleazar na gagamitin nila ang natipid na pera sa pagbili ng CCTVs na pwedeng magamit sa kanilang operasyon laban sa insurgency at terorismo.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Inihayag ito ng PNP chief kasunod ng mga alegasyon ng korapsyon ng Senado laban sa mga ilang ahensya ng gobyerno.

Binigyang diin naman ni Eleazar na nais rin nila malaman ang detalye sa akusasyon ng ilang senador kaugnay sa korapsyon umano sa pagbili ng body cameras upang maimbestigahan na rin nila mismo ito sa PNP.