Satellite voter registration bukas kanselado dahil sa 12 oras na brownout

CAMARINES NORTE- Kinansela ng Commission on Elections ang ilang mga naka schedule na satellite registration bukas, August 14, dahil sa naka- schedule na labingdawalang oras na power service interruption sa halos buong lalawigan ng Camarines Norte.

Dito sa bayan ng Daet inihayag ni Municipal Election Officer Atty Francis Nievez na kanselado ang satellite registration sa Barangay Magang.

Sa bayan naman ng Basud ay kanselado rin ang satellite registration sa Barangay Plaridel.

Ayon kay Municipal Election Officer Annelyn Abanes itutuloy na lamang ito sa Martes, August 17.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa bayan naman ng Mercedes ay tinapos na ng Comelec ang satellite registration sa mga barangay.

Kadalasang ginagawa ang satellite registration sa mga barangay tuwing weekend dahil walang trabaho ang karamihan.

Malaking tulong din ang pagsasagawa satellite registration sa mga Barangay dahil hindi na kinakailangang pumunta ng mga magpaparehistro sa opisina ng Comelec.

Tatagal ang voter registration hanggang September 30 na lamang nitong taon bilang paghahanda sa May 2022 national and local elections.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, inanunsiyo naman ngayong umaga na papayagang lumabas ng Inter- Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang mga edad 65 anyos pataas na tatakbo sa eleksyon para maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) simula Oktubre 1- 8.

Maituturing umanong Authorized Person Outside residence (APOR) ang mga ito upang personal na makapaghain ng COC sa tanggapan ng Comelec.