Sasakyan tumagilid sa daan matapos umanong makatulog ang driver habang nagmamaneho

Wasak ang harapang bahagi ng isang sasakyan matapos itong tumagilid sa kalsada ng Brgy. Bintuan, Coron, Palawan noong Sabado ng tanghali, Ika-11 ng Mayo.

Ayon sa imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council (MDRRMC), nakatulog ang driver ng sasakyan bago bumangga sa poste ng Telco. bago tumagilid.

Sa panayam ng Brigada kay MDRRMO Ray Macanas, pabalik na sa Busuanga, Palawan ang limang miyembro ng pamilyang sakay nito bago ito maaksidente.

Samantala, ligtas naman ang mga sakay ng kotse habang ang driver ay iniimbestigahan ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *