Homemade shotgun at bala, nakumpiska sa isang bahay sa Dumaran Palawan

Nahulihan ng hindi dokumentadong baril at bala ang Isang Alyas Roy sa Sitio Montole, Purok Ilang-Ilang, Brgy. Capayas, Dumaran, Palawan Sabado ng madaling araw (ika-11 ng Mayo), matapos hainan ng Palawan Provincial Police Office at Dumaran PNP ng Search Warrant ang tahanang nilusob.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nakumpiska sa kanyang posesyon ang isang improvised o homemade shotgun, isang improvised Cal. 45 at mga bala ng mga ito.

Ang mga nakumpiskang ilegal na baril at mga bala ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Dumaran PNP habang inaasikaso ang pagsampa ng kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kung saan, maaring makulong si Alyas Roy ng hindi bababa sa 6 na buwan hanggang labingdalawang taon.