Sarmiento, tila kinumpirma na siya ang mystery man na binati ng happy birthday ni Kris Aquino

Hindi na nahirapan ang mga netizens sa paghula sa pagkakakilanlan ng misteryosong lalaki na binati ng happy birthday ng TV personality na si Kris Aquino sa social media.

Mababasa sa post ni Aquino, “Thank you for coming into my life… Happy Birthday!”

Maraming mga pangalan ang nabanggit sa comments section ng post ni Aquino, ngunit wala sa kanila ang nagdiwang ng kaarawan noong August 11.

Gayunman, meron isa ang tumugma, at ito ay si dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento.

Tila nakumpirma na rin ito mismo ni Sarmiento nang kaniyang gamitin ang Instagram account ni Aquino para sagutin ang kritisismo na ibinato ng netizen sa tinaguriang “Queen of Social Media”.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Sinabi ng netizen sa comment, “Ghorl @krisaquino Kung gusto mo talaga na private ang buhay mo. Wag kana mag post ng Ganito narcissistic ka din e. Kawawa naman ang dating DILG secretary sayo be fair. Please abolish you’re social media account. Please lang day! Baka malasin pa,”

Agad naman itong sinagot ni Kris kung saan ay kinwestyon niya ang netizen kung bakit siya dinidiktahan nito sa kung ano ang dapat niya gawin sa kaniyang social media account.

Tumanggi naman ang netizen na tigilan ang pagpuna kay Kris kung saan ay napasok na ang usapin tungkol sa political ambitions.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Sa huli ay sumagot na si Sarmiento sa usapan kung saan ay sinabi niya na hiniram niya ang telepono ni Kris at sinabi na wala naman problema kung batiin siya nito dahil kung tutuusin ay sumaya siya at napakaswerte niya.

Tinanong niya rin kung dati ba niyang nakasama sa departamento na kaniyang minahal ang naturang netizen dahil nais niya sana humingi ng konting respeto.

Matatandaan na nagsilbi si Sarmiento bilang DILG secretary mula September 2015 hanggang June 30, 2016 sa ilalim ng administrasyon ng kuya ni Kris na si late President Noynoy Aquino.