Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli inimbitahan ni Jim Brickman para sa collab

Nakatanggap si Sarah Geronimo at ang kanyang asawang actor-triathlete na si Matteo Guidicelli, ng imbitasyon mula sa American songwriter-recording artist na si Jim Brickman para magsagawa ng collaboration.

Ginawa ng two-time Grammy-nominated pianist ang kanyang intensyon na makatrabaho ang celebrity couple sa pamamagitan ng sunod-sunod na Twitter posts noong March 23.

Read More:  Niño Muhlach’s wife disappointed by crash victim’s public apology

Agad naman na sumagot si Guidicelli at sinabing karangalan para sa kanya na makatrabaho si Brickman.

Hindi naman maliwaw kung anung klaseng collaboration ang gagawin ng couple at ni Brickman.

Read More:  Will Ashley opens up about Mika Salamanca, calls her his ‘safe space’

Si Brickman ay kilala sa kanyang mga hit songs na “Valentine,” “The Gift,” “Love of My Life”, “Destiny,” at maraming iba pa.

Maliban dito, nakakuha rin ito ng dalawang Grammy award nominations para sa kanyang mga albums na “Peace” at “Faith” para sa Best Instrumental at Best New Age Album. //MHEL PACIA-TRINIDAD