Pagsailalim ng mga government officials sa drug test, sinuportahan ni VP Sara

Suportado ni Vice President Sara Duterte ang panukalang inihain ng kanyang kapatid na si Davao 1st District Representative Paolo Duterte hinggil sa pagre-require sa mga government officials na sumailalim sa mandatory random drug testing.

Sa isang ambush interview, sinabi ni VP Sara na makatutulong ang drug test upang matiyak na ang mga opisyal ng gobyerno ay nasa tamang pag-iisip.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa nito, willing siyang mag-undergo ng hair follicle drug test bilang hamon na rin ni dating Presidential spokesman Harry Roque.

Nababasa umano ng bise presidente ang panawagan ng mga tao, at aayusin na lang kung kailan ito isasagawa.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Kailangan din aniyang matiyak na may third party na kasali sa testing, at hindi lang iisang laboratory ang magsasagawa nito para ma-validate ang resulta.

Mababatid na mandato ng House Bill No.10744 sa mga elected at appointed government officials, kasama na ang presidente, na sumailalim sa random drug tests sa pamamagitan ng ang hair follicle drug tests kada-anim na buwan.