San Jose Del Monte LGU, handa na sa magiging resulta ng plebesito

Handa na ang mga San Joseño sa pagiging Highly Urbanized City ng San Jose Del Monte Bulacan sa magiging resulta ng plebesito ng lungsod.

Ayon kay SJDM Bulacan Mayor Arthur Robes, matutustusan nito ang mga ospital at makapagbibigay nang maayos na serbisyo sa mga nasasakupan dahil sa lumalaking populasyon nito kapag HUC na ang lungsod.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Dagdag pa niya, kung mananalo ang YES, magiging kapantay na ng SJDM ang mga siyudad tulad ng Makati, Manila, Quezon City, Caloocan City, Cebu City, Iloilo City, Olongapo, at Angeles City.

Ang SJDM ang pinakamalaking lungsod sa buong probinsya ng Bulacan na mayroong 651,813 na populasyon na lumagpas sa requirements na 200,000 para mabilang HUC gayundin ang annual income nito na P2.1 billion na lagpas din sa requirements na P50 million.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Kung maaalala – isasabay ang pagboto para sa pagiging Highly Urbanized City ng San Jose del Monte sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.