Pormal nang iniutos ng Malacañang ang pag-alis ng North Luzon Railways Corporation (Northrail) dahil sa bigo nitong natutugunan ang mga layunin nito kung bakit ito ginawa.
Inatasan ang Northrail na bumuo, magtayo, magpatakbo, at mamahala ng isang sistema ng riles patungo sa NCR, Central Luzon at Northern Luzon.
Kung maaalala, inilabas ng Governance Commission noong May 2019 ang pag deactivate ng Northrail.
Sa Memorandum Order No. 17 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, iminungkahi nito na hindi na kasi nagegenerate ng northrail ang social, physical at ang economic return.
Samantala, magiging epektibo ang memorandum order pagkatapos mailathala sa Official Gazette.