Maituturing bilang best game ni Thirdy Ravena sa ngayon ang huling laro ng San-En NeoPhoenix sa Toyama City Gymnasium.
Gayunman, naranasan pa rin ng NeoPhoenix ang masakit na pagkatalo mula sa Toyama Grouses sa score na 90-89.
Naitala ni Ravena ang 26 points na may 11-of-14 shooting, nine rebounds, 5 assists, at 3 steals.
Sa kabila nito ay nagmintis ang free throw ni Ravena sa huling segundo ng laro na dahilan upang mabigo ang San-En na ipilit ang overtime.
Samantala, nagpasiklab naman si Dwight Ramos para sa panig ng Grouses kung saan ay nagtala ito ng double-double sa kaniyang 16 points at 10 rebounds at pati na rin 3 assists.
Dahil dito ay tuluyang winalis ng Grouses ang weekend series nito laban sa bumibisitang NeoPhoenix kung saan ay nagwagi rin sila sa score na 92-77.
Hawak na ngayon ng Toyama ang 4-10 record sa West Division.
