Sunshine Garcia, isinilang ang kaniyang 2nd baby boy

Nakatanggap ng maagang Pamasko ang aktres at dating sexbomb dancer na si Sunshine Garcia at ang aktor at politiko na si Alex Castro nang i-welcome nila ang pinakabagong miyembro ng kanilang lumalaking pamilya.

Sa Instagram, ay ibinahagi ng mag-asawa ang larawan ng kanilang bagong silang na sanggol na si Alexander.

Noong Setyembre ay inanunsyo ng aktres na meron siyang inaasahan na baby boy matapos nitong i-post ang clip ng kanilang gender reveal party na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pabiro naman sinabi ni Garcia sa kaniyang post, “Ayaw pa din ng girl ha pwes gagawa ako ng paraan mamimili ka sa mga boys natin kung sino gagawin ko sa kanila girl. char!!!”

Matatandaan na ikinasal sina Garcia at Castro noong March 2019, o halos dalawang taon matapos ang kanilang engagement.

Noong 2018 naman ipinanganak ang kanilang panganay na si Axel.