Israel, inotorisa na ang vaccinations para sa mga 5-11 year olds

Inotorisa na ng Israel ang pagsisimula ng COVID-19 vaccination drive para sa mga bata na edad lima hanggang 11 taong gulang.

Gagamitin ng Israel sa nasabing age group ang bakuna ng Pfizer-BioNTech na alinsunod sa ginawa ng Estados Unidos.

Matatandaan na ang Israel ay isa sa mga naunang bansa na naglunsad ng vaccination campaign noong nakaraang taon.

Ito ay matapos makakuha ng Israel ng kasunduan kasama ang Pfizer na nagbigay sa kanila ng milyon-milyong doses ng bakuna.

Sa pamamagitan ng vaccination campaign ng Israel ay nagawa nito na mabakunahan ang 5.7-million na katao mula sa nine million na populasyon ng naturang bansa.

Samantala, naitala naman ng Israel ang 220 na bagong infections nitong nakaraang araw, na malayo mula sa daily cases nito noong Agosto at Setyembre na pumapalo sa mahigit 10,000.