SACLEO, muling isinagawa ng IPPO; 5 drug personalities, arestado

Muling nagsagawa ang Isabela Police Provincial Office ng SACLEO sa pamamagitan ng operasyon ng mga Police station sa lalawigan na nagresulta sa pagkaaresto ng limang drug personalities, wanted persons at ibang indibidwal na mayroong paglabag sa batas.

Ayon sa IPPO, limang drug personalities ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng PNP Alicia, Angadanan, Cabatuan, Cauayan City at Echague.

Habang 36 na akusado naman ang nakorner ng mga otoridad kung saan tatlo rito ay Top Most wanted person sa Provincial at Municipal level at 33 pang other wanted person ang naaresto.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nasa 22 naman na armas ang naideposito dahil sa kakulangan nito sa dokumento matapos ang isinagawang Oplan Katok ng kapulisan, dalawang armas ang isinuko sa ilalim ng Kontra Boga at mayroon namang apat na nahuli matapos lumabag sa Omnibus Election Code o Gun ban.

Ayon pa sa datos ng IPPO, umabot sa 396 na violators ang natiketan ng LGU at LTO matapos lumabag sa batas trapiko.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Huli din ang 11 na indibidwal matapos masangot sa illegal na sugal habang dalawa naman ang nagsurrender ng hindi rehistradong chainsaw.

Sa ilalim naman ng EO No. 70 NTF-ELCAC ay mayroong 29 na NPA members ang sumuko sa pamahalaan.

Patuloy naman ang pagbabantay ng kapulisan sa implementasyon ng minimum public health standards sa lalawigan ng Isabela.