Sabina Shoal, hindi maituturing na panibagong “flashpoint” sa WPS ayon sa AFP

Hindi maituturing na panibagong “flashpoint” o lugar kung saan may mataas na tensyon ang Sabina Shoal.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bagaman ito ang kauna-unahang “ramming incident” sa Sabina shoal hindi naman nila nakikita pang lalala ang sitwasyon sa lugar.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kasunod nito, muling iginiit ni Trinidad na ang mga aktibidad ng China ay illegal, coercive, aggressive at deceptive sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Kasama na rito ang patuloy na pagtangka nito na kontrolin ang malaking bahagi ng South China Sea.