Bilang ng na-monitor Chinese Maritime Militia Vessels sa Ayungin Shoal, lumobo – Navy

Lumobo ang bilang ng namonitor na Chinese Maritime Militia Vessels sa Ayungin Shoal.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, mula sa 4 na CMMV noong August 6 hanggang August 12, tumaas ito sa 41 CMMV noong August 13 hanggang August 19 monitoring.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa pangkalahatan, mayroong 129 na barko ng China na namataan sa WPS sa nabanggit na panahon

Mas mataas ito kumpara sa 92 na bilang ng mga barko na unang namonitor.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Bukod sa Ayungin, nakapwesto ang mga barko sa Bajo de Masinloc, Pag asa islands, Kota island, Likas island, Lawak island, Panata island, Patag island , Sabina shoal at Iroquois Reef.