‘Sabat sa Ukol 2022’ O ‘Pagsalubong sa Alon’ idinaos sa bayan ng Sto. Domingo Albay

Humigit kumulang 30 competitors mula sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya ang nakilahok sa skim boarding competition na isinagawa sa bayan ng Sto. Domingo lalawigan ng Albay

Pinangunahan ng grupong DUMAGSA o ng Dominican United Members and Goofers Skimboarding Association ang pagtitipon ng iba’t ibang grupo ng mga skim boarding enthusiast sa Albay sa ginanap na Sabat sa Ukol 2022 nitong nakaraang Sabado, Abril 16.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pangunahing layunin ng aktibidad na maisulong ang sports na skim boarding at maipagmalaki ang black sand beaches sa nasabing bayan na ‘perfect spot’ ng pagdausan ng nasabing laro.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, Bukod sa sports, layunin rin ng aktibidad na maitampok ang mga produktong gawa ng mga local artist gaya ng mga paintings na gawa ng mga miyembro ng Sining Domingenos gayon na rin ang mga produktong gaya ng gantsilyo at hand painted pouches.