Lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Communist Terrorist Group at may kinakaharap na 3 mabibigat na kaso napasakamay ng mga otoridad sa bayan ng Paracale Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Napasakamay ng mga otoridad ng Paracale MPS ang isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na kabilang sa iba’t ibang opensiba sa Rehiyong Bikol  na may kinakaharap na tatlong (3) mabibigat na kaso nitong semana santa sa Purok 4, Brgy. Gumaus, Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa ulat na isinumite ng Paracale MPS sa pamumuno ni PMAJ EDWIN C ADORA, Chief of Police, ang naarestong personahe ay kinilalang si “Jon”, 27 anyos, isang minero at residente ng Purok 3, Brgy. Gumaus, ng nabanggit na bayan

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

.Ang nasabing  akusado ay sinilbihan ng mandamiento de arresto para sa kasong Direct Assault (with Frustrated Murder of Art. 148) na ipinalabas ni HON LEO LUMABAD INTIA, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte noong Agosto 6, 2021 na may piyansang umaabot sa P200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan at isa pang warrant of arrest para sa kasong Murder na ipinalabas ni HON. ARNIEL A DATING, Acting Judge ng RTC- Branch 64, Labo, Camarines Norte noong July 3, 2020 na walang rekomendadong piyansa.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Matatandaang Marso taong 2021 nang maganap ang pangyayaring paglusob at pag ambush sa kapulisan na nakabase sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte kung saan lima ang napatay at dalawa ang nasugatan sa panig ng PNP.

Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.